Showing posts with label ABSCBN Executives. Show all posts
Showing posts with label ABSCBN Executives. Show all posts

Monday, July 18, 2011

Latest Update: ABSCBN and Bernadette Sembrano is on trending topic


Nagtrend sa Twitter Pilipinas ang ating himpilang ABSCBN. Ayun sa tweets na naging dahilan ng pag trend ng istasyon sa mundo ng Twitter, may iba ay dahil sa pinalabas na "Twilight" na exclusive na pinaglabas sa Sunday's Best. (Sana naman po, humataw sa rating, ewan na lang...) 

Basta ako, huwag nang magtaka na ABSCBN ang numero uno. 

Nananatili pa rin sa trending Topic ang naging kalagayan ni Bernadette Sembrano. Marami rin naging interesado sa naging pinagdaanan niya sa karamdaman niyang Bell's Palsy. Hindi rin kasi biro ang sakit na Bell's Palsy lalo na dinadanas pa ng isang sikat na news anchor na nakakasanayan nating laging nakangiti sa tuwing napapanuod siya sa telebisyon.

Sunday, June 12, 2011

ABSCBN launches National Anthem Video in Independence day


Inilunsad ng ABSCBN ang video ng pambansang awit ng bansa kasama ang mga artista, newcasters ng ABSCBN News at executives headed by Miss Charo Santos ngayong anibersaryo ng araw ng kalayaan ng ating bansa. Produced by ABSCBN and Star Cinema. Isinagawa rin ang Flag Ceremony sa Araw ng Kalayaan sa Dolphy Theater

Pinangunahan ng mga executives ng ABSCBN na sina Chairman Gabby Lopez, ABSCBN President Charo Santos Concio, Manila Radio and DZMM Head Peter Musngi at iba pang executives.

Pinangasiwaan naman ni Anthony Taberna at Jasmin Romero bilang emcee ng programa ang flag ceremony. Sama-sama na nanumpa sa watawat ang mga kapamilya sa ibang sulok ng Pilipinas at sa mga Filipino natin sa ibang bansa sa pamamagitan ng The Filipino Channel or TFC. Pinangunahan ni Ka Peter Musngi ang panunumpa sa watawat.



Music Video ng Pambansang Awit na Lupang Hinirang by ABSCBN and Star Cinema.



FYI: Blog ni KeepSoYoung