Friday, July 15, 2011

KRUSADA: SAGWAN NG KARANGALAN

ANCHOR: DYAN CASTILLEJO 

Save Philippine Dragonboat


Sa kanilang mga laban dala ng ating mga atelata ang karangalan para sa ating bayan. Bawat Pilipino ay kabahagi sa kanilang tagumpay at pagwawagi. Pero bakit tila pinupulitika pati ang ating mga atleta at resulta nito, kawalan ng suporta sa kanila.   

Krusada ni Dyan Castillejo na ilantad at labanan ang pulitika sa likod ng larangan ng pampalakasan na umiipit at sumisira ng suporta para sa mga Pilipinong manlalaro.

Philippine Dragonboat World Champions, Astig! ayon sa Bandila!

Gaya ng lamang  Philippine Dragon Boat World Champions.  Kung tutuusin mga kilalang superpowers tulad ng USA, Russia, UK, Germany at China ang kanila ng natalo. Dalawang world record ang hawak ng Pilipinas sa sport na ito kung saan mahigit 70 bansa ang miyembro ng International Dragon Boat Federation. 

Pero sa tuwing lumalaban sa labas ng bansa nagbabaon lamang sila ng bigas, delata at kung anu-ano pa dahil wala silang pocket money. Minsan kailangan pa nilang sumisid sa dagat at manguha ng talaba para lang may makain. Kung anu-ano ring masasamang alegasyon ang binabato sa kanila at pati sa kanilang docksite pinaalis ang dragon boat team.  Ang masakit na katotohanan nagbibigay na nga sila ng karangalan pero mimsong mga opisyal pa ng bansa ang hindi sumusuporta sa kanila.

At ang masakalap, hindi lamang ang Philippine Dragonboat World Champions Team ang nakakaranas ng ganitong sistema ng kalakaran. Maraming pang mga Pilipinong atleta ang nagdurusa sa ganitong problema.

Dahil sa pamumulitika ng mga nasa pamahalaan may mga swimmers na nadisqualify sa kanilang laban. Ang mga Wushu artist naman hindi binigyan ng allowance nung panahon ng kanilang kompetisyon. Maging ang Karadeto team, hindi rin nakalusot sa lupit ng panggigipit. Binigyan sila ng tiket papunta sa kanilang laban sa ibang bansa, pero one way lang.

Bakit nga ba dinadanas ito ng ating mga atleta? Pakinggan natin ang kanilang mga hinaing. Ano nga bang kinabukasan ang naghihintay sa ating mga atleta kung patuloy na sisirain ng pulitika ang larangan ng sports? Mapipigilan pa ba ang ganitong kalakaran? Alamin ang buong storya sa Krusada sa susunod na Huwebes, ika-14 ng Hunyo, 2011. Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, making at makiisa sa Krusada ni Dyan Castillejo! Maaari ring bumisita sa aming Twitter para sa inyong mga kumento! http://twitter.com/KrusadaTV

Source: Krusada

No comments:

Post a Comment