Linggo nang umaga sa Salamat Dok, parang sabi ko malakas ata ang earphone ko. Sumasakit ang tenga ko. Binalewala ko lang. During TV Patrol that night, parang may mali sa mata ko. The following day, ganun pa din parang pagod pa din ang mata. Tapos, meeting sa Salamat dok. During our meeting, sinabi na rin sa akin na magpatingin ka na sa doktor. Mahapdi tapos umiiyak. Nagpunta ako sa neurologist. Nag-test, itaas ang kilay.. .isa lang tumataas... pikit... reflexes. Sabi ng doctor, “You're correct, Bell's Palsy.”
- Bernadette Sembrano-Aguinaldo
Mahigit dalawang linggo na nang tamaan ng Bell’s Palsy ang host ng Salamat Dok at all-around ABS-CBN Correspondent na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo. Naging usap-usapan ang kanyang kondisyon hindi lang ng mga manonood sa telebisyon kundi pati na rin sa mga social networking sites.
Mula nang pumutok ang nangyari sa ating host, mas naging curious at aware na rin ang marami sa kondisyong ito. Paano ba ito nakukuha? Nakakahawa ba ito? Totoo bang pwede itong makuha sa pagbabad sa hangin ng electric fan? Ano nga ba itong Bell’s Palsy?
Definition: Bell’s Palsy
Ang Bell’s Palsy ay paralysis o panghihina ng kalamnan ng isang bahagi ng mukha kaya ito tumatabingi. Partikular na tinatamaan at namamaga ang cranial nerve VII, na sumusuporta sa mga kalamnan ng mukha.
Ano ang facial nerve?
- Ugat sa mukha na nagmumula sa utak na dumadaan sa maliiit na butas sa bungo sa ilalim ng tainga
- Nagpapagalaw sa muscle sa mukha para magkaroon ng facial expressions facial nerves
- Nagpapasara sa talukap ng mata at nakatutulong sa panlasa
Sanhi
Hindi malinaw ang dahilan ng Bell’s Palsy. Pero paniwala ng maraming neurologist, dulot ito ng herpes simplex virus. Kapag tinamaan ang cranial nerve VII, dito na nagkaka-Bell’s palsy. May mga taong nag-aakalang dahil ito sa exposure sa lamig, sobrang pag-iisip sa gabi at kung anu-ano pa.
Ang sabi ni Dr. Emmanuel Eduardo, isang neurologist at Director ng International Institute for Neurosciences at St. Luke's Medical Center: “If you look at the literatures, there’s nothing that says kapag natapat sa cold or electric fan magkakaroon ng Bell’s palsy. The literatures cite studies abroad eh natural na maginaw na doon eh. Probably they don’t see the difference. Sa atin na mainit ang panahon, kapag itinutok sa mukha ang electric fan na puro ganun lang, may possibility na pwedeng mangyari yun. Ngayon kasi nakikita na ang cause na sa virus. Hindi pa rin maintindihan kung bakit nagkakaroon ng virus sa pagtapat sa electric fan. Meron ding ibig sabihin na hindi sila related.”
Signs and Symptoms
- Biglaang paralysis o panghihina ng kalamnan ng isang bahagi ng mukha
- Labis na pagluha o pagkatuyo ng mata
- Pananakit sa paligid ng panga o likod ng tainga
- Sensitibong pandinig
- Pagtabingi ng mukha
- Walang panlasa
- Hindi maisara ang mata
- Hindi maikunot ang noo
- Bumabagsak ang corner ng bibig
- Tumutulo ang laway
Is this something serious?
“Ang Bell’s Palsy ay benign condition. Hindi serious, gumagaling nang kusa kadalasan. Kailangan lang therapy. In most instances temporary, depende sa cause. Ang ibang case pwedeng permanent, kung aksidenteng na-fracture ang temporal bone ‘yong dinadaanan ng nerve,” paliwanag pa ni Dr. Eduardo.
Who are at risk
- Diabetics
- May mga infection tulad ng inflammatory process sa tenga
- May mga tumor
- Mga buntis
Pagkakaiba: Bell’s Palsy at Stroke
Maraming nagkakamali na ito ay stroke o transient ischemic attack. Sabi ng mga eksperto, magkaiba ang dalawang kondisyong ito.
“Sa Bell’s Palsy, kalahati ng mukha ang apektado. Sa stroke naman ang involved ay lower quadrant ng mukha. Naiikunot pa rin ang noo. Most importantly, very rare sa stroke na mukha lang ang affected. Pati face, arm at leg on the same side of the body at hindi maigalaw ang kahalating parte ng katawan,” dagdag ni Dr. Eduardo.
Complications
- Tuluyang pagkasira ng facial nerve
- Maling pagtubo ng nerve fibers
- Partial o ganap na pagkabulag ng hindi maipikit na mata dahil sa sobrang pagkatuyo o pagkagasgas ng cornea
Treatment
Therapy
Payo ni Dr. Eduardo: “Kailangan gawin agad ang therapy. As long as you keep that nerve working, there’s a big chance na maaga ang paggaling. Sa sugar text pa lang, 2 days na. By that time ang nerve mamatay na yan. I do the test but I advise the patient to do the therapy as soon as possible.
Medications and Supplement
- Steroids for the first 2 days
- Anti-viral at anti-inflammatory drugs
- Vitamin B complex especially B12 that will helps nourish the nerve.
Eye care
- Lagyan ng eye pad
- Patakan ng eye drops para hindi ito matuyo
- Maaaring lagyan ng tape ang talukap ng mata habang natutulog
Facial exercise
- Dahan-dahang masahihin ang muscles ng mukha pataas nang 10 minuto
- Uminom palagi ng tubig o kumain ng chewing gum
Acupuncture
Early Detection
“Integrity of the nerves should be preserved. Una, namamaga lang, pag binigyan ng medicines, napi- preserve ang integrity ng nerves. Kung delayed, mga 1-2 wks bago nakita, nada-damage ang nerve. Nagkakaroon ng loss of continuity. Napuputol ang nerve and it takes time bago tumubo ulit. Ang problem, nagkakaroon ng maling pagtubo or faulthy regeneration. Yung nerve na papunta sa eyelid, pumupunta sa corner ng mouth. Nagkakaroon ng abnormal movement. Pumapangit ang paggaling,” paliwanag ni Dr. Eduardo.
“Happy ako na I went through this phase. Sa dami ng pasyente na nakakahalubilo natin, iba rin yung maramdaman ko ang nararamdaman nila.” ~ Bernadette Sembrano-Aguinaldo
Source from ABS-CBNNews.com
No comments:
Post a Comment