Showing posts with label Navotas. Show all posts
Showing posts with label Navotas. Show all posts

Monday, June 6, 2011

Feature Photos: UKG Main Anchors on Brigada Eskuwela in Navotas

Nauna po namin naipalathala ang artikulo sa pagbisita ng Umagang Kay Ganda main Anchors na sina Pinky Webb at Anthony Taberna sa North Bay Boulevard sa Navotas. 

Malapit ako dyan hindi nila napaalam. Ibibigay ko sana ang birthday gift ko kay Pinky Webb, Haiz!!!!

Here's the photos of Brigada Eskuwela, Tulong Kapamilya ng Umagang Kay Ganda.





Related Article: Brigada Eskuwela sa Navotas (UKG) Reposted by: KeepSoYoung

by: Kaye S. Way

Tuesday, May 31, 2011

Brigada Eskuwela sa Navotas (UKG) Reposted


Dumayo sa isang paaralan sa North Bay Boulevard sa Navotas ang UKG main anchors na sina Pinky Webb at Anthony Taberna para sa proyekto na "BRIGADA ESKUWELA" ng Department of Education at sa tulong ng Umagang Kay Ganda at ABSCBN News and Current Affairs team na "Brigada Eskuwela, Tulong Kapamilya". .

Namigay ng mga kagamitan sa paglilinis tulad ng walis, walis tingting, bleach atbp ang buong team ng Umagang Kay Ganda sa pangunguna nina Pinky at Anthony.

Sama-samang tumulong ang mga guro, principal, estudyante, mga magulang, volunteers kasama na rin ang main anchors ng Umagang Kay Ganda sa paglilinis ng paaralan sa Navotas.

Naghandog rin ng gamit pang-eskuwela ang Umagang Kay Ganda sa mga estudyante ng North Bay Boulevard Elementary School.

Masaya naman nagpasalamat ang mga guro, estudyante, magulang at ang punong-guro ng North Bay Boulevard Elementary School.

posted by: KeepSoYoung of Kapamilya Anchors and Reporters Online