Tuesday, May 31, 2011

Brigada Eskuwela sa Navotas (UKG) Reposted


Dumayo sa isang paaralan sa North Bay Boulevard sa Navotas ang UKG main anchors na sina Pinky Webb at Anthony Taberna para sa proyekto na "BRIGADA ESKUWELA" ng Department of Education at sa tulong ng Umagang Kay Ganda at ABSCBN News and Current Affairs team na "Brigada Eskuwela, Tulong Kapamilya". .

Namigay ng mga kagamitan sa paglilinis tulad ng walis, walis tingting, bleach atbp ang buong team ng Umagang Kay Ganda sa pangunguna nina Pinky at Anthony.

Sama-samang tumulong ang mga guro, principal, estudyante, mga magulang, volunteers kasama na rin ang main anchors ng Umagang Kay Ganda sa paglilinis ng paaralan sa Navotas.

Naghandog rin ng gamit pang-eskuwela ang Umagang Kay Ganda sa mga estudyante ng North Bay Boulevard Elementary School.

Masaya naman nagpasalamat ang mga guro, estudyante, magulang at ang punong-guro ng North Bay Boulevard Elementary School.

posted by: KeepSoYoung of Kapamilya Anchors and Reporters Online

No comments:

Post a Comment