Showing posts with label Vice Ganda. Show all posts
Showing posts with label Vice Ganda. Show all posts

Saturday, October 29, 2011

Vice Ganda meets Karen Davila in Gandang Gabi Vice this Sunday


Kaabang-abang ang pagbisita ng Bandila News anchor na si Karen Davila sa World Trending Show na "Gandang Gabi Vice".

Another celebrity guest will trends the twitter world dahil ipapakita ni Karen ang kanyang hidden talents, ang kanyang pagkanta at ang pagdrawing.

At mabubuking ni Vice ang naging crush ni Karen, walang iba kundi si Kumbachero Kuyang Tunying, Anthony Taberna. Naku, ano naman ang masasabi ni Miss Rossell, ang wifey ni Kuyang Tunying?

Bukod kay Karen, magiging guests ni Vice sina Sam Concepcion at Robi Domingo. At ang Pilipinas Got Talent Season 3 Grand Winner na Maasinhon Trio na haharanahin si Vice.

Bago kayo masindak sa mga kuwentong katatakutan ni Kabayan sa Kababalaghan, ay makitawa muna sa Gandang Gabi Vice

This Sunday, October 30 sa ABSCBN.

Video Teaser of Gandang Gabi Vice this Sunday, October 30


Saturday, September 24, 2011

Vice Ganda One on One with Kabayan sa Gandang Gabi Vice

Kabayan meets Kabayo?

Kabayan meets Kabayo?

Ang dating Vice President, one-on-one with Vice Ganda?

Yes, magkakaharap na rin sina Kabayan Noli de Castro at Vice Ganda sa Linggo sa Gandang Gabi Vice.

Matagal rin pinangarap ni Vice na makaharap at makasalamuha ang dating pangalawang pangulo. At natupad iyun nang pinaunlakan siya sa pag guest nito sa kanyang show.

Masusubukan din ni Kabayan ang mga gay lingo words na hinihanda sa kanya ni Vice at sa kauna-unahang pagkakataon, masusubukan din si Kabayan sa pagpaplanking.


Abangan sa Linggo pagkatapos ng Pilipinas Got Talent Season 3 3rd Semi-Final Week

by: KSY