Showing posts with label Kabayan. Show all posts
Showing posts with label Kabayan. Show all posts

Thursday, October 27, 2011

Kapamilya Network, naghakot ng parangal sa 20th KBP Golden Dove Awards


Ginanap kanina ang awards night ng 20th KBP Golden Dove Awards 2011 sa Star Theater sa Star City, Roxas Boulevard, Manila para parangalan ang mga natatanging programa sa radyo at telebisyon. Tampok din sa gabi ng parangal si Kabayan Noli De Castro na ginawaran ng Ka Doroy Broadcaster of the Year Award. Sa kanyang speech, matagal na niyang gustong mahuli ang ibong ito at nasungkit na din niya ito sa wakas makalipas ang dalawang dekada bilang isang mamamahayag. Isa siya sa naging tinig ng DZMM Radyo Patrol 630 nung 1986 at sumikat ang kanyang pangalan bilang isang news anchor ng TV Patrol.

Humakot din ng parangal ang ilang programa sa DZMM Radyo patrol 630, Tambayan 101.9 at ABS-CBN. Iginawad sa Kapamilya Network ang Best TV Station habang ang DZMM Radyo Patrol 630 naman ang nag-uwi ng Best Am Radio Station sa Metro Manila Division. Ilang sa mga personalidad sa radyo at telebisyon ang nagtipun-tipon para saksihan ang natatanging parangal na pinangungunahan ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Narito ang mga listahan ng mga nanalong programa at personalidad na binigyan ng parangal sa nasabing awards night:

Radio Category
Best Radio Newscast - Metro Manila - Radyo Patrol Balita Alas Dose
Best Radio Newscaster - Noli De Castro - Radyo Patrol Balita Alas-Siyete
Best AM Public Service Program - Trabaho Panalo (DZMM Teleradyo)
Best Radio Public Affairs Program - Metro Manila - Dos Por Dos
Best Radio Public Service Program Host - Usec. Zeny Maglaya - Konsyumer Atbp.
Best Radio Public Affairs Program Host - Vic De Leon Lima of Pasada Sais Trenta
Best Radio Magazine Program - Todo-Todo Walang Preno
Best Radio Magazine Program Host - Tita Winnie Cordero (Todo-Todo Walang Preno)
Best AM Drama Program - Maalaala Mo Kaya sa DZMM
Best Radio Science & Technology Program Journalist - Louie Tabing (Sa Kabukiran)
Best Radio Variety Program - Tambayan TOP 10 (DJ Arnold Rei) - Tambayan 101.9
Best Music Radio Jock - Martin D. - Tambayan 101.9
Best Radio Sports Program - Sports Talk
Best AM Radio Station - DZMM Teleradyo

Television Category
Best Comedy Program - Banana Split
Best TV Drama Program - Minsan Lang Kita Iibigin
Best Actor for Drama Program - Coco Martin (Minsan Lang Kita Iibigin)
Best Actress for Drama Program - Lorna Tolentino (Minsan Lang Kita Iibigin)
Best News Program - TV Patrol
Best Local News Program - TV Patrol Tacloban
Best TV Newscaster - Ryan Gamboa - ABS-CBN Bacolod
Best Public Affairs Program - Patrol ng Pilipino
Best TV Public Service Program - XXX (Lola Lourdes Abused Episode)
Best Sports Show -Sports Unlimited
Best TV Specials Program - Banal
Best TV Promotional Material - Bida Rizal
Ka Doroy Broadcaster of the Year - Noli De Castro
Best Television Station - ABS-CBN

Congratulations mg Kapamilya. Ipinagmamalaki namin kayo. :)

From KARO Bloggers

Friday, October 21, 2011

Kababalaghan: The Magandang Gabi Bayan Halloween Tradition Returns

The Halloween Tradition of MGB Returns this October

Naging tradisyon na ng mga tagasubaybay ng Magandang Gabi Bayan ang panunuod ng mga nakakatakot na kuwentong kababalaghan tuwing sasapit ang Todos Los Santos.

Sabay-sabay natakot at sumigaw.

Ngayon, muling binabalik sa telebisyon ang Halloween Special na tinatanghal nuon ng Magandang Gabi Bayan na nakasanayan nang panuorin ng mga tagasubaybay ng programa.


Itatampok ang espesyal na pagtatanghal ng MGB sa pangunguna ni Kabayan Noli De Castro ang "Kababalaghan" sa Linggo, October 30 sa Sunday's Best. Dito lamang sa ABSCBN.

To watch the teaser. Please visit here

Video courtesy from Jonathan Perez

Saturday, September 24, 2011

Vice Ganda One on One with Kabayan sa Gandang Gabi Vice

Kabayan meets Kabayo?

Kabayan meets Kabayo?

Ang dating Vice President, one-on-one with Vice Ganda?

Yes, magkakaharap na rin sina Kabayan Noli de Castro at Vice Ganda sa Linggo sa Gandang Gabi Vice.

Matagal rin pinangarap ni Vice na makaharap at makasalamuha ang dating pangalawang pangulo. At natupad iyun nang pinaunlakan siya sa pag guest nito sa kanyang show.

Masusubukan din ni Kabayan ang mga gay lingo words na hinihanda sa kanya ni Vice at sa kauna-unahang pagkakataon, masusubukan din si Kabayan sa pagpaplanking.


Abangan sa Linggo pagkatapos ng Pilipinas Got Talent Season 3 3rd Semi-Final Week

by: KSY

Wednesday, July 6, 2011

Happy Birthday, Kabayan Noli



Lot's of people are thinking of you on your birthday; I just wanted to let you know I'm one of them. Have a wonderful day!

Your birthday only comes around once a year so let's make today a day to remember.

Happy Birthday, Kabayan Noli!