Monday, January 2, 2012

Korina Sanchez, balik-radyo na simula ngayung Enero

Magbabalik na ang batikang brodkaster na si Korina Sanchez sa radyo ngayung taon.

Simula sa Enero 9, muli natin siya mapapakinggan sa DZMM. Maglulunsad ang kanyang bagong radio program na “RATED K sa DZMM”. Mapapakinggang tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10-11am.


Higit dalawang taon din nawala sa radyo si Korina upang magbigay-daan sa kanyang kasal kay dating senador at ngayung DOTC Sec. Mar Roxas.


Kasabay ng pagbabalik ni Korina sa DZMM, ay ang pagbabago ng line-up ng ibang programa ng DZMM tulad ng “TODO-TODO WALANG PRENO” na mapapakinggan na tuwing hapon, 3-4PM samantalang sa gabi na mapapakinggang ang “Mismo” nina Jobert Sucaldito at Ahwell Paz tuwing 10-11pm.


Ito ay handog ng DZMM sa kanilang ika-25 taong anibersaryo.

Blog by: ksy


Source: KSY

No comments:

Post a Comment