Monday, August 29, 2011

Edu, courting Pinky again? (By Chit Ramos)

TAHIMIK na tahimik ang kampo ni Edu Manzano ngayon. Guessing game ang tunay na dahilan kung bakit walang sagot sa mga intriga mula sa kanyang manager, si Manay June Rufino.

Posibleng may malaking pasabog na magaganap one of these days, pero, uunahan ko na sila.

“Hindi ko sasayangin ang anim (6) na taon namin ni Pinky. Susuyuin ko siyang muli,” ito raw ang sabi ni Edu sa isang very reliable source namin na hayaan nyo munang itago ko sa alyas na Mr. D. Tinukoy niya ay ang napakagandang daughter ni Freddie Webb na nagpahayag na wala na sila (Edu and Pinky) sa himig na hindi na daw sila magkakabalikang muli.

Hindi rin kapani-paniwala na may sakit daw si Doods, este, Edu pala at malala daw ang asthma nito kaya’t nawawala sa circulation.

Mismong ang inyong lingkod ang nakakita sa kanya sa Podium kailan lang habang inaayos ang kanyang broadband sa Globe outlet. He was in the pink of health. Literally, reddish-pink ang pisngi ni Edu at napapalingon ang bawa’t makasalubong niya.

Mas hunky nga ang katawan ni Edu kung ikukumpara sa panganay niyang si Luis Manzano. Matipuno ang kanyang katawan at akmang-akma sabihing taglay pa rin niya ang katawang-pang-romansa.

No comments:

Post a Comment