Saturday, August 13, 2011

Bernadette Sembrano, balik UKG.

Bumalik na si Bernadette Sembrano sa pambansang morning show na "Umagang Kay Ganda" nitong nakaraang Lunes kung saan magiging host/anchor muli siya matapos magpaalam ang dating main anchor ng Umagang Kay Ganda na si Pinky Webb noong isang linggo. At napagpasiyahan nito magiging reporter na lamang ito dahil sa hirap na itong gumising ng umaga.

Hindi rin malinaw kung talagang mainstay na uli siya at pormal na papalit kay Pinky matapos din itong umalis sa nasabing morning show nuong Pebrero kasabay sila Rica Peralejo, Ginger Conejero at Bekimon. At siya rin muna humahalili sa lugar ni Pinky kapag ito ay absent o nagbakasyon. Pero nadagdag na rin siya maging si Jeffrey Tam sa OBB ng Umagang Kay Ganda.

Pitong taon rin naging host/anchor ng mga morning shows si Ate B. From Magandang Umaga Bayan to Umagang Kay Ganda.

It's nice to see Bernadette again in morning show. Sa dinami-daming commitments sa News and Current Affairs ay nakuha pa rin niya gumising ng umagang upang maihatid ang mga balita at bigyan tayo ng kasiyahan tuwing umaga. Kahit ito ay nagkakasakit saan nitong nakalipas ng mga linggo ay nagdaan sa pagsubok na may kinalaman sa kanyang kalusugan nang nagkaruon ito ng karamdamang Bell's Palsy na sumalalim din sa ilan mga treatments at nalagpasan naman niya ito. Ganoon talaga kamahal ni Bernadette ang kanyang trabaho bilang broadcast journalist at public servant.


Blog by: KSY

Author's Note. Please message me or leave a comment if there some grammatical error. Thanks :)



No comments:

Post a Comment