Showing posts with label Kuya Kim. Show all posts
Showing posts with label Kuya Kim. Show all posts

Monday, August 22, 2011

Karen Davila Spotted in Showtime

Miss Karen davila with DJ MOD of  Showtime


Naispatan si Miss Karen Davila sa Showtime kasama si coach Rio dela Cruz na naging guest ito sa kanyang show na "Headstart".

Karen and Coach Rio Spotted in Showtime from Headstart

From Headstart to Showtime. Karen and coach Rio invade Showtime studio to visit Kuya Kim Atienza. Pero hindi rin sila pinalampas sa sample na face dance. Kaya napasabak sila ni coach Rio.

Karen and Rio on Face Dance sample =)

Ito ang ikalawang beses na appearance ni Miss Karen. Una ay naging guest judge ito sa Showtime kasama sila Ted Failon, Pinky Webb at Gus Abelgas at nagbigay din ng sample in the tune of Lady Gaga's Bad Romance.

To watch the episode, pls click here 



Blog by KSY

Saturday, July 16, 2011

Kapamilya Male News Anchors, nagpasiklab ng talent sa PGT

Champ's audition in Pilipinas Got Talent Season 3.

Si Champ Sanchez,isang pandesal vendor ang nag-audition sa Pilipinas Got Talent Season 3 na nagpamalas ng kakaibang talento, ang paggaya sa boses ng boxing announcer na si Michael Buffer. Madami ang natuwa maging si Fred Garcia also known as FMG dahil sa angking galing ni Champ sa pag-project ng kanyang boses. Sinamahan pa ito ng kakulitan ni Billy Crawford habang pinapakilala ni Champ ang maglalaban-laban sa kunwariang boxing match.


Dahil dito, ang mga Kapamilya Male Anchors ay sinubukan na gawin ang isang challenge na sabihin ang linyang, "Let's get ready to rumble" kung nakaya ni Champ ang ganitong level. Sina Kuya Kim Atienza, Alex Santos, Anthony Taberna at Gus Abelgas ang game na game sa pagsambit ng nasabing linya. And they got it dahil mahusay din silang mag-deliver ng kanilang sasabihin.

Male Anchors saying "Let's get ready to rumble".


Watch the video of Pilipinas Got Talent in this link:

Blog and photos from Jessy

Tuesday, June 7, 2011

KRUSADA: USOK (Anti-smoking)

ANCHOR: KIM ATIENZA
AIRDATE: JUNE 9, 2011
FROM: KRUSADAtv FACEBOOK



Kung tatanungin ang mga naninigarilyo kung bakit patuloy ang kanilang adiksyon sa kabila ng mga banta nito laban sa kanilang kalusugan, numero uno na sa mga dahilan ang pagpapawala ng stress sa tuwing sila’y hihithit at bubuga.

Walo sa bawat sampung Pinoy ang humihithit ng halos isang pakete ng sigarilyo kada araw. Ito ang madalas na nakikitang dahilan kung bakit mahirap na para sa maraming naninigarilyo na bitiwan ang bisyong ito. Naging parte na ito ng kanilang pang-araw-araw na buhay—pati ng mga taong nasa paligid nila.

Kahit tila karaniwan na para sa atin na makakita ng mga naninigarilyo sa paligid, hindi pa rin ito dapat isawalang-bahala o isantabi dahil sa dami ng mga seryosong komplikasyon at problemang patuloy na idinudulot nito.

Lung Cancer ang ikinamatay ng lolo ni Kim Atienza, dala ng paninigarilyo. Ito ang nag-udyok sa kanya upang hikayatin ang mga nainigarilyo na tumigil na sa kanilang bisyo.

Kakamustahin ni Kuya Kim ang isang chain smoker o isang napakalakas manigarilyo sa matagal na panahon. Ayon sa kanya, wala pa siyang nararamdamang problema o komplikasyon na dala ng paninigarilyo kaya’t wala pang dahilan para siya ay tumigil. Dahil dito, sasamahan siya ng Krusada sa kanyang pagpapatingin sa duktor. Ano kaya ang resulta ng kanyang tests? Ano kaya ang rekomendasyon ng duktor sa kanya? Ipapaliwanag ni Kuya Kim kung anu-ano ang mga maaaring epekto ng paninigarilyo sa katawan.



Kilalanin ang mga natamaan ng malalang epekto ng paninigarilyo at tuluyang nagkasakit tulad ng emphysema at lung cancer. Mayroon ding mga nakabitan na ng artificial larynx dahil sa mga kumplikasyon dulot ng paninigarilyo. Paano nga ba umaabot sa ganito kalalang kundisyon ang mga naninigarilyo? Posible bang tamaan din nito ang mga mahihina lamang manigarilyo? Paano naman ang mga nakakalanghap lamang o mga biktima ng second-hand smoking?

Alamin ang mga magagawang hakbang upang masimulan ang pagbitaw sa bisyo ng paninigarilyo. Hanggang saan ang maitutulong ng mga education programs at ‘Quit Smoking Clinics’ sa bansa?

Ang paninigarilyo ay ang isa sa mga pinakamalaking sanhi ng mga sakit at hindi napapanahong kamatayan na maaaring maiwasan. Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, makinig, makisama at makiisa sa Krusadang ito ni Kim Atienza. Ngayong Huwebes na, ika-9 ng Hunyo, pagkatapos ng Bandila.


Saturday, June 4, 2011

Kuya Kim Comes Face-to-Face with a Pit Viper Snake in ‘Matanglawin’




Looks can indeed be deceiving especially in the world of animalandia. 

Join Kuya Kim on his latest adventure in “Matanglawin” this Sunday (June 5) when he discovers the abilities of animals to deceive their predators or to adapt to their environment. 

In this episode, Kuya Kim will come face-to-face with a venomous pit viper and even he will try to kiss it. 

Kuya Kim will also introduce a mammal that can kill snakes like the mongoose that can bite off a cobra’s head. There are also creatures that will wait for hours just to get their prey. 

Find out all of these in this Sunday’s episode of “Matanglawin,” 9:30 AM on ABS-CBN.

Source: Starmometer