Saturday, July 16, 2011

Kapamilya Male News Anchors, nagpasiklab ng talent sa PGT

Champ's audition in Pilipinas Got Talent Season 3.

Si Champ Sanchez,isang pandesal vendor ang nag-audition sa Pilipinas Got Talent Season 3 na nagpamalas ng kakaibang talento, ang paggaya sa boses ng boxing announcer na si Michael Buffer. Madami ang natuwa maging si Fred Garcia also known as FMG dahil sa angking galing ni Champ sa pag-project ng kanyang boses. Sinamahan pa ito ng kakulitan ni Billy Crawford habang pinapakilala ni Champ ang maglalaban-laban sa kunwariang boxing match.


Dahil dito, ang mga Kapamilya Male Anchors ay sinubukan na gawin ang isang challenge na sabihin ang linyang, "Let's get ready to rumble" kung nakaya ni Champ ang ganitong level. Sina Kuya Kim Atienza, Alex Santos, Anthony Taberna at Gus Abelgas ang game na game sa pagsambit ng nasabing linya. And they got it dahil mahusay din silang mag-deliver ng kanilang sasabihin.

Male Anchors saying "Let's get ready to rumble".


Watch the video of Pilipinas Got Talent in this link:

Blog and photos from Jessy

No comments:

Post a Comment