Sunday, July 31, 2011

Christine Bersola - Babao, nagpaalam na sa Magandang Morning with Julius and Tintin. Tintin, magiging Kapatid na.

Updated 07.31.2011 at 21:28


Pormal na po nagpaalam ang Mommy ng bayan na si Tintin Bersola -  Babao sa radio program niya sa DZMM, ang "Magandang Morning with Julius and Tintin". 

Halos dalawang dekada naging Kapamilya si Mamu Tintin. Nasubaybayan ang kanyang buhay mula nang pumasok ito sa mundo ng broadcasting. Naging star news anchor ng TV Patrol kung saan nakasama niya ang mga original anchors na sila Noli "Kabayan" de Castro, Mel Tiangco (now she's on GMA-7) at Frankie "Ka Kiko" Evangelista (+). Nausbong hindi lang ang kanyang career bilang broadcaster, maging ang kanyang buhay pag-ibig nang matagpuan ang lalaking tunay na nagpatibok sa puso niya sa katauhan ni Julius Babao na nakasama naman niya sa Ala-Singko Y Medya, Magandang Umaga Bayan, Magandang Umaga Pilipinas at ang pinakahuli sa tambalan nila sa radyo ang "Magandang Morning with Julius and Tintin".

Nagdaan din siya sa isang pagsubok nang mawala sa ere ang huling morning show niya na "Magandang Umaga Pilipinas" na napalitan naman ng Umagang Kay Ganda nila Pinky Webb, Anthony Taberna at Alex Santos.

Kasabay ng kanyang pamamaalam, opisyal na rin nagtapos sa ere ang radio program niya na "Magandang Morning with Julius and Tintin". 

Nakatakdang maging Kapatid si Mamu Tintin sa Setyembre. Makakasama niya ang dating niyang nakatrabaho sa Kapamilya Network na sila Cheryl Cosim, Erwin Tulfo, Patrick Paez at Amy Perez na nauna nang lumipat sa Kapatid Network.

Mamu Tintin on her last day in DZMM with her collegues. We will miss you Mamu Tintin. Good luck po sa panibagong pakikipagsapalaran sa bagong tahanan.


by: KSY

No comments:

Post a Comment