Friday, July 1, 2011

TV Patrol Peeps, Dumalaw sa ABSCBN Newsroom. TV Peeps, nagdiwang ng kanilang unang taon ng grupo


Sa aming unang anibersaryo ng grupo namin, Ang TV Patrol Peep or TV Peeps na itinatag ng aming diosa na si Binibining Arlene Burgos ng ABSCBN Interactive.

Dapat ay isang engrandeng pagtitipon ang magagaganap ngunit sa hindi inaasahang kumplikadong oras ng ating diosa Arlene, hindi na muna itinuloy ang engrandeng pagtitipon pero pinagpatuloy namin ang pagdiriwang sa pagbati namin sa kapwa naming tvpeeps at binalikan ang mga hindi malilimutan naganap mula sa paglunsad ng isang chatroom ng TV Patrol hanggang sa mabuo ang espesyal na pagsasama na matuturing na ring KAPAMILYA.


Ngunit pinili pa ring pumunta nina Jan Enero (tvpatrolkid) at Mark Mercado Mahusay (markmahusay = surname ba talaga ang MAHUSAY, well mahusay!) na magpunta sa ABSCBN newsroom upang batiin at makilala ng personal ang prumotor ng TVPeeps.



Naging mapalad din sila nang makadaung-palad nila si ABSCBN News and Current Affairs head na si BB. Ging Reyes. At inialay nila ang isang espesyal ng regalo para sa news team, isang artwork ng logo ng ABSCBN News and Current Affairs Team na ginawa ni Mark Mahusay.


Muli, Happy Anniversary sa ating lahat mga tvpeeps, Isang Taon ng pagsasama. Isang taon ng baliktaktakan. Isang taong minsan naging maiinit ang ulo dahil sa issue.Isang taon din ng bangayan. Isang taon ng kakulitan. At isang taon ng kaligayahan!!!!

Pahabol po, please pray for our fellow tvpeeps na si Bai Cory "Princess" Ork Tee para sa kanilang kalagayan. Ligtas po sila pero labis din sila naapektuhan sa pagbaha sa Davao. Ipanalangin po natin na sana malagpasan nila ang pagsubok na nararanasan nila. At sa mga kababayan nating taga-Davao, kababayan ng aking papu idol na si Alex Santos.

Happy Anniversary, TVPeeps!

blog by: KSY

No comments:

Post a Comment