Friday, July 22, 2011

Sol Aragones, makakasama na din sa Salamat Dok


Bukod pa kay Alvin Elchico ay makakasama na din sa Salamat Dok simula bukas ang "Patrol ng Pilipino" na si Sol Aragones. Kinumpirma ito ng host ng nasabing programa na si Bernadette Sembrano. Madalas ay napapanood natin si Sol sa TV Patrol na nag-uulat tungkol sa pangkalusugan at naghahatid ng mga balita mula sa mga Bayan Patrollers. Mas gaganda at mas sisigla ang ating mga Kapamilya sa pagsasama nila Bernadette Sembrano, Alvin Elchico at Sol Aragones sa Salamat Dok.

Bukod pa dito ay magkakaroon din sila ng isang proyekto kaakibat ang DZMM Radyo Patrol 630 na "Dugong Alay, Dugtong Buhay". Sa mga nagnanais na mag-alay ng dugo, kelangan lang na magsadya sa ABS-CBN Center Road mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali. Dapat ang mag-aalay ng dugo ay hindi puyat, overweight, alcoholic,may kumplikasyon sa puso at may diabetes. Ang unang 100 na makakapasa sa kanilang screening ay may libreng t-shirt mula sa DZMM.

Mag-uumpisa na ang mas pinagandang serbisyong medikal sa Salamat Dok bukas, alas-6 ng umaga at sa Linggo, alas-7 ng umaga sa ABS-CBN.

Update from Jessy

No comments:

Post a Comment