Showing posts with label DZMM 25th Anniversary. Show all posts
Showing posts with label DZMM 25th Anniversary. Show all posts

Thursday, September 29, 2011

Mga Kapamilya, Nagmamadali ka Ba?


Bakit ka nagmamadali? Apat na araw na lang. Ano ang mangyayari?

via DZMM Teleradyo

Sunday, September 11, 2011

Korina Sanchez, Returns to Radio this September

Korina visited 100 days to Heaven lead stars, Miss Coney Reyes and newest child wonder, Xyrille Manabat for Rated K episode on Sunday. (Source: Kapamilya Gold. Photo from Miss Coney Reyes)
According to Miss GR Rodis (ShowbizManila in Twitter), Korina Sanchez will come back on DZMM starting September 19.
Timeslot will be at 9:45am, Monday to Friday.
But not yet confirm whether she can return to her former show, "Tambalang Failon at Sanchez" with his partner, Ted Failon
Or maybe she will have a new radio program?
On the other hand, Korina Sanchez-Roxas hailed as Outstanding Alumni at Miriam College's Grand Alumni Homecoming.
Congratulations, Ateng Koring
 

Saturday, September 10, 2011

Kapamilya Anchors Gossip: Korina Sanchez, Babalik na sa Radyo. Magkakasama na bang muli sila ni Ted Failon?

Korina Sanchez  (photo from: Korina's Closet Twitter)

Matunog ang balitang babalik na raw si Korina Sanchez sa DZMM sa Setyembre 19.

Ang tanong, muli na rin ba sila magkakasama ng kanyang dating katambal na si Ted Failon matapos mamaalam ang kapareha nitong si Pinky Webb nuong isang buwan?

O magkakaruon na lamang ito ng bagong show on her own?

Nilisan ni Korina ang radyo show na nila ni Ted na "Tambalang Failon at Sanchez" upang bigyan-daan ang preparasyon sa kasal kay dating Senator at DOTC Secretary Mar Roxas at pangangampanya sa pagtakbo sa pagka-bise presidente bagamat nauna nitong plano na tumakbo bilang Pangulo under Liberal Party ngunit bigla na lamang winithdraw ang kanyang pagtakbo sa nasabing posisyon dahil na rin nagpaubaya na lamang ito at binigay ang pagkakataon kay Noynoy Aquino.

Si Pinky ang pumalit sa kanyang pwesto sa Tambalang at naging "Tambalang Failon at Webb". Pagkatapos rin ng halos dalawang taon, iniwan na rin ni Pinky ang "Tambalang Failon at Webb" nito lamang nakaraang Agosto.

Naunang bumalik sa telebisyon si Ateng Koring sa TV Patrol nuon Nobyembre kasabay ni Kabayan Noli de Castro at ang naiwang anchor na si Ted Failon na muli nilang pagsasama sa telebisyon. Na nagbigay rin sa mas mataas ng rating sa primetime newscast.

Inaakala rin ng iba ay lilipat si Ateng Korina sa TV 5 ngunit hindi iyun nangyari.

Maraming super die hard fans ni Korina na nag-aabangan sa muli niyang pagbabalik sa radyo. 

Super Excited ito. Welcome Back, Ateng Koring sa Radyo. =)


by: KSY


Note: More updates will posted soon. I will keep this updated.  Thank you for reading this blog. KSY

Tuesday, September 6, 2011

Over na! Bakit laging iniiwan si Ted Failon? huhuhu!!!

Matapos mamaalam ni Pinky Webb sa Umagang Kayganda pati na sa teleradyo nila ni Ted Failon. 

Ted Failon, iniwan muli ng kapareha?


Na naman, Ted?

Unang iniwan ng misis niya si Ted Failon nang matagpuang patay ito sa banyo nila. 

Sumunod na nagpaalam sa programa nilang Failon at Sanchez si Korina dahil kumandidato for vice president ang husband-to-be niya noon na si Mar Roxas. 

Pumalit kay Korina si Pinky na noon ay syota ni Edu Manzano na kakandidato ring vice president pero nag-break daw sila kaya 'di natulad si Pinky kay Korina na force resignation muna pansa­mantala. 

But now, final na ang pagbabakasyon ni Pinky. 

Hayan tuloy at natsitsimis siyang buntis daw? 

Source: Alfie Lorenzo, Abante Tonite

Friday, July 1, 2011

Feature Picture: DZMM's Anchors in Music Uplate Live. (Updated)

DZMM Anchors in Music Uplate Live (from L-R: Ahwell Paz, Jun Banaag, Bernadette Sembrano-Aguinaldo and Onse Tolentino
Guest ang mga anchors ng DZMM sa Music Uplate Live ni Yeng Constatino.

Sa kanilang week-long guesting nila sa MUL at bilang bahagi na rin ng ika-25 anibersaryo ng AM Radio Station na DZMM,  pinakita rin nila ang kakaibang talent nila.

Umawit at sumayaw si Ahwel Paz (video here). Si Ate B naman ay umawit ng isang magandang classic song.

picture by: AHWEL PAZ, Gracias! =)

updated by: ksy

Tuesday, June 28, 2011

Anya sings Mutya theme song "Sana" in DZMM

from Christine Bersola Babao video in Facebook: June 2011. Anya practices her song for airing in daddy and mommy tin's radio programme : Magandang Morning with Julius and Tintin. Here she sings " Sana" with "stage dad " Julius looking on , and "stage mom" Tintin holding the camera to record the moment for posterity. Haayy, ang maging magulang nga naman, hehe.


Yeah, Anya got talent. She sings MUTYA theme song "Sana". She practices her song for her parents program in DZMM. May future ang cute na ineng. Kanino pa naman magmamana, Of course sa kanyang parents. 

Bumalik sa aking alala ang kanyang ina na si Mamu Tintin Bersola Babao ay kumanta kasama si Jose Mari Chan ng awiting "Is She thinking about me" (I think I was in Grade 5).  At mayroon din po sila duet ni Papu Julius sa isang Catholic Music Album.

Is Anya ready to enter the showbusiness? Papayag po kaya sina Papu Julius and Mamu Tintin na maging artista din ang kanilang unica hija?

Sa video, ang ganda talaga ng boses ni Anya. May future talaga. How wondering hindi rin siya ang kumanta ng theme song ng MUTYA. Proud parents sina Papu Julius and Mamu Tintin. (watch video)


updated by: KSY

Sunday, June 12, 2011

Feature Picture: DZMM Anchors on Latest Pictural


Dito pala present si Miss Pinky that we thought na wala siya. Bakit hindi siya nahanay sa mga main anchors ng ABSCBN News and Current Affairs gayung main anchor naman siya ng Umagang Kay Ganda. hmmmm!!!!

Minus Karen Davila talaga.

Source Picture: Nizel Reduta

Friday, June 10, 2011

DZMM Ilulunsad ang Engrandeng 'Silveradyo' Music Video sa June 12

Sa pagdiriwang ng DZMM “SilveRadyo,” inihahandog ng nangungunang AM radio station sa Mega Manila at numero unong cable news channel sa bansa ang isang engrandeng station ID na sumasalamin sa 25 taon nitong pagbabalita at paglilingkod.

Tampok ang Prince of Pop na si Erik Santos at ang “Star Power” female Pop superstar na si Angeline Quinto, kinunan pa sa Cultural Center of the Philippines ang naturang music video, kung saan kabilang din ang tanyag at multi-awarded na koro na UP Concert Chorus (UPCC) at ang isa sa pinakatini-tingalang musical ensemble sa Asya na Philippine Philharmonic Orchestra (PPO), sa ilalim ng pagkumpas ni Maestro Olivier Ochanine.


Mapapanood na ang engradeng produksyon na ito sa direksyon ng in-demand TV director na si Paolo Ramos, ngayong linggo (Hunyo 12) sa DZMM Teleradyo (SkyCable ch. 26), pagkatapos ng ABS-CBN Flag Ceremony sa Channel 2.


Komposisyon ng kilalang TV at film scorer na si Jesse Lasaten ang jingle, na nilapatan ng titik ni Miam Anaten ng ABS-CBN Creative Communications Management. Dito maririnig ang ‘di matawarang dedikasyon ng DZMM sa sambayanan, kung kaya’t pinaka-piling personalidad sa industriya ng musika ang kakatawan sa naturang proyekto.


Ayon kina Erik at Angeline, dalawa sa sikat na mangangawit sa bansa, napakalaking pribilehiyo ang kanilang pagkabilang sa proyekto, kasama ng UPCC at ng PPO.

Ayon kay Erik, “Isa talaga itong malaking proyekto na kahit sinong mangangawit ay pinapangarap na gawin. Lumaki akong nakikinig sa DZMM at pinangarap kong magperform kasama ang UPCC and PPO.”

Mula ng maitatag ito noong post-Martial law era, ang DZMM ang naging himpilan ng mga pinakarespetadong at pinakamatatapang na brodkaster ng bansa.


DZMM din ang una sa pagpapakilala ng makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng paglunsad ng DZMM Teleradyo, kung saan napapanood ang mga programang dati’y pang-radyo lang.

Malaking tulong din ang kanilang audio streaming sa website na dzmm.com.ph kung saan napakikinggan sila 24/7 ng mga Pilipino saan man sa mundo na uhaw sa balita sa bansa. Ito ay ilan lang sa mga inobasyon ng DZMM na nagtakda ng panuntunan sa iba pang media outfits sa Pilipinas.


Ngunit ang mas lalong nagpaangat at nagpatingkad sa DZMM ay ang di matatawaran nitong serbisyo publiko tulad ng medical missions, seminars, binyagan, business and livelihood workshops, disaster assistance at rescue efforts. Sila din ang nasa likod ng multi-awarded “Kapamilya, Shower Na” mobile shower, DZMM TLC (Teaching Learning Caring) classroom-on-wheels at clinic-on-wheels project, ang fun run na “Takbo Para sa Kalikasan” at “DZMM World Caravan,” ang concert handog para sa mga kababayan natin sa ibang bansa.


Umaasa si Peter Musngi, pinuno ng ABS-CBN Manila Radio Division, na magdadala ng pag-asa at inspirasyon ang awitin sa mga taong makadidinig nito.

“Ito ang kwento ng DZMM sa nakalipas na 25 taon at sa mga susunod pang taon. Ano man ang aming gawin, ito ma’y paghahatid ng pinaka-malawak na pagbabalita o pangangalaga sa bawat Pilipino sa loob o labas ng bansa, para ito sa inyo, sa aming mga tagapanood at tagapakinig,” aniya.

Ayon nga sa DZMM SilveRadyo jingle “Sa bawat balita/Damdamin at gawa/Una sa tuwina ang kapwa.”


Panoorin ang live performance ng DZMM SilverRadyo jingle nila Erik Santos, Angeline Quinto, UP Concert Chorus, at Philippine Philharmonic Orchestra sa pagkumpas ni Maestro Olivier Ochanine, ngayong Linggo (Hunyo 12), 9:45am sa ABS-CBN Flag Ceremony sa channel 2.

Sa Flag Ceremony rin masasaksihan ang premier ng bagong Lupang Hinirang video ng ABS-CBN at ang paglulunsad ng kampanyang Bida Bayani campaign ng Bayan Mo, iPatrol Mo.


Abangan ang television premier ng DZMM SilveRadyo music video sa DZMM TeleRadyo (SkyCable ch. 26) pagkatapos ng flag ceremony.

Saturday, May 28, 2011

Karen Davila sings and dances with DZMM’s head Peter Musngi (from ABSCBN News Website, Filipino Movies and US News Las Vegas )

Award-winning journalist Karen Davila showed off her other talent as she sang and danced at DZMM’s 25th anniversary dubbed “Silveradyo” at One Esplanade in Pasay City, Thursday night.

Wearing a black dress, Davila gamely sang Rey Valera’s hit “Kahit Maputi na ang Buhok Ko” with ABS-CBN Manila Radio Division Head Peter Musngi.

Davila and Musngi’s duet was the finale of the program and DZMM’s anchors later joined them toward the song’s end.

Davila is DZMM’s host of the afternoon radio show “Pasada 630.” She also anchors ANC’s “Headstart” on weekday mornings and ABS-CBN’s late night news program “Bandila.”

Her fellow broadcaster Pinky Webb also showed off her singing prowess as she performed a medley with anchor Ted Failon.

The event was also attended by ABS-CBN chief executive officer Eugenio “Gabby” Lopez III.

Celebrities including the ex-”Pinoy Big Brother” housemates Ivan and James also performed that night.
“Greenrose” lead actor Jericho Rosales sang Bruno Mars’ hit “Just The Way You Are” with DJ Chacha.
Click here to listen

Post Source from ABSCBN News Website, Filipino Movies and US News Las Vegas

Friday, May 20, 2011

DZMM Anchors, Nagpakitang-gilas sa 25th Anniversary Trade Event (Updated)

Ipinamalas ng mga anchors ng DZMM ang kanilang angking-galing sa pagkanta at pagsayaw sa katatapos lang na Trade Event ng DZMM 25th Annversary. sa One Esplanade.

Hinaranaan ng duo ng Dos por Dos na sina Anthony Taberna at Gerry Baja ang mga naggagandang Binibining Pilipinas winners. Si Philippine Prince of Pop, Eric Santos  ay humarana naman para sa mga magagandang female anchors na sina Pinky Webb, Jasmin Romero and Gretchen Fullido sa awiting "Beautiful my Eyes".


Nakatambal naman ni Alex Santos si Toni Gonzaga nang awitin nila ang "Just the Way You Are", ang classic song ni Billy  Joel while DJ Chacha sang the modern song of  "Just The Way You Are" by Bruno Mars duet with Jericho Rosales. It combine the two same title but different music and lyrics.

Humataw sa sayawan ang mga anchors and reporters kasama ang mga sexy sina Bangs Garcia at Nina Dolino.

Also the finalists of "Star Power 5" performed in the event.

Hindi naman magpapahuli ang "Tambalang Failon at Webb" sa duet medley nila ng "Fallin," "This Guy Is In Love With You, Pare" and "Don't Cha". 

"Either kumanta ako o mawalan ako ng trabaho, kumanta na lang ako (laugh). Ayoko mawalan ng trabaho. Ayoko pang matanggal sa DZMM" pabiro ngunit masayang pahayag naman ni Pinky Webb sa isang interview matapos ito magtanghal.

Pinky Webb with DZMM Radyo Patroller, Dennis Datu

At si Karen Davila naman ay umindak habang kumakanta kasabay ang kanyang katambal si Manila Radio Head, and DZMM boss, Peter Musngi sa huling bahagi ng event.

posted by: KeepSoYoung

Article Related from ABSCBN News Website



Thursday, May 19, 2011

Feature Images: DZMM 25th Anniversary Trade Event (Updated)

Tambalang Failon at Webb. uuuyyyyy!!!
Tintin Bersola Babao (host of Magandang Mornings with Julius and Tintin) and Star Patroller and DZMM Sport's Talk Anchor, Gretchen Fullido

(from left to right) ABSCBN Chairman and CEO Gabby Lopez, Karen C. Gretchen Fullido, Karen Davila and Pinky Webb

Dos por Dos Gerry Baja and Anthony Taberna with Beauty Queen's BB. Pilipinas - International, Dianne Necio (right) and BB. Pilipinas - Universe, Shamcey Supsup (between Anthony and Gerry) sing "You're Beautiful"

Karen Davila on her performance level. (courtesy of g3cafe)

Dennis Datu and Alex Santos

Dennis Datu and Pinky Webb

photos by Gretchen Fullido, Dennis Datu of DZMM and Karen Davila, Thank you po. Pasensiya na po sa grabbed! :)

posted by: KeepSoYoung and Iam Chen Fanget