Sa pagdiriwang ng DZMM “SilveRadyo,” inihahandog ng nangungunang AM radio station sa Mega Manila at numero unong cable news channel sa bansa ang isang engrandeng station ID na sumasalamin sa 25 taon nitong pagbabalita at paglilingkod.
Tampok ang Prince of Pop na si Erik Santos at ang “Star Power” female Pop superstar na si Angeline Quinto, kinunan pa sa Cultural Center of the Philippines ang naturang music video, kung saan kabilang din ang tanyag at multi-awarded na koro na UP Concert Chorus (UPCC) at ang isa sa pinakatini-tingalang musical ensemble sa Asya na Philippine Philharmonic Orchestra (PPO), sa ilalim ng pagkumpas ni Maestro Olivier Ochanine.
Mapapanood na ang engradeng produksyon na ito sa direksyon ng in-demand TV director na si Paolo Ramos, ngayong linggo (Hunyo 12) sa DZMM Teleradyo (SkyCable ch. 26), pagkatapos ng ABS-CBN Flag Ceremony sa Channel 2.
Komposisyon ng kilalang TV at film scorer na si Jesse Lasaten ang jingle, na nilapatan ng titik ni Miam Anaten ng ABS-CBN Creative Communications Management. Dito maririnig ang ‘di matawarang dedikasyon ng DZMM sa sambayanan, kung kaya’t pinaka-piling personalidad sa industriya ng musika ang kakatawan sa naturang proyekto.
Ayon kina Erik at Angeline, dalawa sa sikat na mangangawit sa bansa, napakalaking pribilehiyo ang kanilang pagkabilang sa proyekto, kasama ng UPCC at ng PPO.
Ayon kay Erik, “Isa talaga itong malaking proyekto na kahit sinong mangangawit ay pinapangarap na gawin. Lumaki akong nakikinig sa DZMM at pinangarap kong magperform kasama ang UPCC and PPO.”
Mula ng maitatag ito noong post-Martial law era, ang DZMM ang naging himpilan ng mga pinakarespetadong at pinakamatatapang na brodkaster ng bansa.
DZMM din ang una sa pagpapakilala ng makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng paglunsad ng DZMM Teleradyo, kung saan napapanood ang mga programang dati’y pang-radyo lang.
Malaking tulong din ang kanilang audio streaming sa website na dzmm.com.ph kung saan napakikinggan sila 24/7 ng mga Pilipino saan man sa mundo na uhaw sa balita sa bansa. Ito ay ilan lang sa mga inobasyon ng DZMM na nagtakda ng panuntunan sa iba pang media outfits sa Pilipinas.
Ngunit ang mas lalong nagpaangat at nagpatingkad sa DZMM ay ang di matatawaran nitong serbisyo publiko tulad ng medical missions, seminars, binyagan, business and livelihood workshops, disaster assistance at rescue efforts. Sila din ang nasa likod ng multi-awarded “Kapamilya, Shower Na” mobile shower, DZMM TLC (Teaching Learning Caring) classroom-on-wheels at clinic-on-wheels project, ang fun run na “Takbo Para sa Kalikasan” at “DZMM World Caravan,” ang concert handog para sa mga kababayan natin sa ibang bansa.
Umaasa si Peter Musngi, pinuno ng ABS-CBN Manila Radio Division, na magdadala ng pag-asa at inspirasyon ang awitin sa mga taong makadidinig nito.
“Ito ang kwento ng DZMM sa nakalipas na 25 taon at sa mga susunod pang taon. Ano man ang aming gawin, ito ma’y paghahatid ng pinaka-malawak na pagbabalita o pangangalaga sa bawat Pilipino sa loob o labas ng bansa, para ito sa inyo, sa aming mga tagapanood at tagapakinig,” aniya.
Ayon nga sa DZMM SilveRadyo jingle “Sa bawat balita/Damdamin at gawa/Una sa tuwina ang kapwa.”
Panoorin ang live performance ng DZMM SilverRadyo jingle nila Erik Santos, Angeline Quinto, UP Concert Chorus, at Philippine Philharmonic Orchestra sa pagkumpas ni Maestro Olivier Ochanine, ngayong Linggo (Hunyo 12), 9:45am sa ABS-CBN Flag Ceremony sa channel 2.
Sa Flag Ceremony rin masasaksihan ang premier ng bagong Lupang Hinirang video ng ABS-CBN at ang paglulunsad ng kampanyang Bida Bayani campaign ng Bayan Mo, iPatrol Mo.
Abangan ang television premier ng DZMM SilveRadyo music video sa DZMM TeleRadyo (SkyCable ch. 26) pagkatapos ng flag ceremony.
Sa pagdiriwang ng DZMM “SilveRadyo,” inihahandog ng nangungunang AM radio station sa Mega Manila at numero unong cable news channel sa bansa ang isang engrandeng station ID na sumasalamin sa 25 taon nitong pagbabalita at paglilingkod.
Tampok ang Prince of Pop na si Erik Santos at ang “Star Power” female Pop superstar na si Angeline Quinto, kinunan pa sa Cultural Center of the Philippines ang naturang music video, kung saan kabilang din ang tanyag at multi-awarded na koro na UP Concert Chorus (UPCC) at ang isa sa pinakatini-tingalang musical ensemble sa Asya na Philippine Philharmonic Orchestra (PPO), sa ilalim ng pagkumpas ni Maestro Olivier Ochanine.Mapapanood na ang engradeng produksyon na ito sa direksyon ng in-demand TV director na si Paolo Ramos, ngayong linggo (Hunyo 12) sa DZMM Teleradyo (SkyCable ch. 26), pagkatapos ng ABS-CBN Flag Ceremony sa Channel 2.
Komposisyon ng kilalang TV at film scorer na si Jesse Lasaten ang jingle, na nilapatan ng titik ni Miam Anaten ng ABS-CBN Creative Communications Management. Dito maririnig ang ‘di matawarang dedikasyon ng DZMM sa sambayanan, kung kaya’t pinaka-piling personalidad sa industriya ng musika ang kakatawan sa naturang proyekto.
Ayon kina Erik at Angeline, dalawa sa sikat na mangangawit sa bansa, napakalaking pribilehiyo ang kanilang pagkabilang sa proyekto, kasama ng UPCC at ng PPO.
Ayon kay Erik, “Isa talaga itong malaking proyekto na kahit sinong mangangawit ay pinapangarap na gawin. Lumaki akong nakikinig sa DZMM at pinangarap kong magperform kasama ang UPCC and PPO.”
Mula ng maitatag ito noong post-Martial law era, ang DZMM ang naging himpilan ng mga pinakarespetadong at pinakamatatapang na brodkaster ng bansa.
DZMM din ang una sa pagpapakilala ng makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng paglunsad ng DZMM Teleradyo, kung saan napapanood ang mga programang dati’y pang-radyo lang.
Malaking tulong din ang kanilang audio streaming sa website na dzmm.com.ph kung saan napakikinggan sila 24/7 ng mga Pilipino saan man sa mundo na uhaw sa balita sa bansa. Ito ay ilan lang sa mga inobasyon ng DZMM na nagtakda ng panuntunan sa iba pang media outfits sa Pilipinas.
Ngunit ang mas lalong nagpaangat at nagpatingkad sa DZMM ay ang di matatawaran nitong serbisyo publiko tulad ng medical missions, seminars, binyagan, business and livelihood workshops, disaster assistance at rescue efforts. Sila din ang nasa likod ng multi-awarded “Kapamilya, Shower Na” mobile shower, DZMM TLC (Teaching Learning Caring) classroom-on-wheels at clinic-on-wheels project, ang fun run na “Takbo Para sa Kalikasan” at “DZMM World Caravan,” ang concert handog para sa mga kababayan natin sa ibang bansa.
Umaasa si Peter Musngi, pinuno ng ABS-CBN Manila Radio Division, na magdadala ng pag-asa at inspirasyon ang awitin sa mga taong makadidinig nito.
“Ito ang kwento ng DZMM sa nakalipas na 25 taon at sa mga susunod pang taon. Ano man ang aming gawin, ito ma’y paghahatid ng pinaka-malawak na pagbabalita o pangangalaga sa bawat Pilipino sa loob o labas ng bansa, para ito sa inyo, sa aming mga tagapanood at tagapakinig,” aniya.
Ayon nga sa DZMM SilveRadyo jingle “Sa bawat balita/Damdamin at gawa/Una sa tuwina ang kapwa.”
Panoorin ang live performance ng DZMM SilverRadyo jingle nila Erik Santos, Angeline Quinto, UP Concert Chorus, at Philippine Philharmonic Orchestra sa pagkumpas ni Maestro Olivier Ochanine, ngayong Linggo (Hunyo 12), 9:45am sa ABS-CBN Flag Ceremony sa channel 2.
Sa Flag Ceremony rin masasaksihan ang premier ng bagong Lupang Hinirang video ng ABS-CBN at ang paglulunsad ng kampanyang Bida Bayani campaign ng Bayan Mo, iPatrol Mo.
Abangan ang television premier ng DZMM SilveRadyo music video sa DZMM TeleRadyo (SkyCable ch. 26) pagkatapos ng flag ceremony.
No comments:
Post a Comment