ANCHOR: KAREN DAVILA
AIRDATE: JUNE 30, 2011
Source: Krusada
AIRDATE: JUNE 30, 2011
“Kayo ang boss ko”, “tuwid na daan”, “walang corrupt, walang mahirap”—ilan ito sa mga binitawang
salita ni PNoy sa kanyang inauguration speech noon. Mga pangako na nagsisilbing krusada niya para sa
mga mamamayang Pilipino. Pero kamusta na nga ba ang naging pamumuno ni Pangulong Noynoy sa
loob ng 365 na araw mula ng siya ay manumpa?
May natupad na ba sa mga ito o mauuwi rin ito sa lumang tugtugin na mga pangakong napako?
Samahan si Karen Davila na kamustahin ang krusada ni Pangulong Noynoy Aquino sa susunod na
Huwebes—ang anibersaryo ng 365 days of President Noynoy.
Ang pangunahing tanong: Makalipas ang isang taon, kamusta na nga ba ang Pilipinas sa ilalim ng
Administrasyong Aquino?
Pakinggan ang mga tinig at pananaw ng ilan sa mga political activists at analysts ng bansa. Sino ang
malaki pa rin ang suporta sa administrasyon? Sino ang bumaliktad na?
Ilan sa mga magbabahagi ng kanilang mga opinion sina Gang Badoy, founder ng “Dear Noynoy”
Facebook Fanpage; at Mae Paner o Juana Change, artista, director at political activist na sumoporta kay
PNoy noong panahon ng kampanya sa paniniwalang may magagawa si PNoy laban sa kurapsyon.
Makakasama rin ni Karen Davila si Ramon Casiple, Executive director ng Institute for Political and
Electoral Reform (IPER) at kilalang political analyst at blogger na nagsusulat tungkol sa mga maiiinit na
isyung kinahaharap ng bansa. Si Congresswoman Mitos Magsaysay naman ang matapang na nagsabing
ang pangulo ang “laziest, most stubborn, most inefficient president we’ve ever had”.
Laging may dalawang panig na magbabanggaan pagdating sa ating mga pananaw—positibo at negatibo. Saan nabibilang ang iyong opinyon?
Mariin pa rin ang paniniwala ng Krusada: ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang! Alamin
ang mga komentaryo sa Administrasyong Aquino sa susunod na Huwebes, ika-30 ng Hunyo, pagkatapos
ng Bandila sa ABS-CBN at makibahagi sa KrusadaTV Facebook fanpage! (facebook.com/krusada)
Source: Krusada
No comments:
Post a Comment