Naging maiinit na balita ang nangyaring pagnanakaw at tangkang pagpatay sa ABSCBN Director na si Ricky Rivero. At ang suspek, ang nakilala niyang kaibigan sa isang Social Networking Site na FACEBOOK.
At nito nakalipas na weekend, pinatay naman ang isang call center agent at pinagnakawan pa ng boyfriend niya na nakilala lang din sa FACEBOOK. (reported by Alex Santos)
Bago ang mga balitang iyan, may nauna na kaso ng krimen nang dahil lamang sa pagkikipagkita or EYEBALL sa nakilala nila sa mga social networking site tulad na lamang ang isang nurse student na nakipagkita sa isang lalake at nagahasa pa ito. (see related blog here)
Ay mayroon pang kaso na isang may kapansanan na dalaga na nawawala dahil lamang nakipagkita sa isang kaibigan sa FB at sa kabutihang palad ay bumalik din ito sa kanyang tahanan na ligtas.
Paano ba nating maiiwasan ang ganitong kapahamakan mula sa pagkikipag- "EYEBALL" sa mga tao nakilala lamang sa mga social networking sites.
In my own comments lang po ahh...
*Kilalaning mabuti ang taong nakakasalamuha lamang sa social networking site. Hindi mo pa siya nakikilala in person means hindi mo pa siya lubusang kilala. Huwag maging kapante agad. Dahil may iba na hindi lahat sinasaad o sinasabi ang tunay nilang katauhan maging ang tunay na estado ng buhay nila. Marami rin namang bolero dyan.
*Kung makikipag-eyeball, magsama ng isang kamag-anak o kaibigan (mas maganda kung lalaki kung ang babae ang makikipagkita sa guy).
*Huwag din maging kapante na isama agad sa bahay o papuntahin ang kaibigan na nakilala lamang sa social networing sites kung isang beses pa lang nakikita in person o magkikita pa lang tapos papupuntahin mo agad, Kahit malalim na pagkakaintindihan nyo kung ilang beses pa lang kayo nagkikita. Of course, iba pa rin ang makilala mo siya in person, at makilala po siya sya ng lubos, kuha nyo?
blog by: KSY
blog by: KSY
No comments:
Post a Comment