Friday, June 17, 2011

Social Network Crimes on Failon Ngayon tomorrow



Nitong nakaraang Lunes, 17 na saksak sa katawan ang natamo ng aktor/direktor ng ABS-CBN na si Ricky Rivero.

Ang suspek, isang lalake na nakilala ni Rivero sa FACEBOOK.

Noong nakaraang March, isang nursing student mula sa QC ang pinagsamantalahan ng isang lalake na kanyang naka-"eyeball".

Isang buwan pa lamang magkakilala ang suspek at ang biktima, at nagkakilala sila sa pamamagitan ng INTERNET CHAT.
Sa laki ng parte ng INTERNET at SOCIAL NETWORKING WEBSITES tulad ng FACEBOOK sa mga buhay ng mga tao ngayon, hindi maiiwasan na mayroong mga gumagamit ng mga ito upang mambiktima at mang-abuso ng mga inosenteng tao.

Ano ang mga hakbang na pwedeng gawin upang maiwasan na maging biktima?


Abangan ang kwento bukas ng hapon sa FAILON NGAYON!
Sabado, 4:45 ng hapon, pagkatapos ng ABS-CBN Special Report!

Update from Failon Ngayon on Facebook

No comments:

Post a Comment