Tuesday, June 7, 2011

KRUSADA: USOK (Anti-smoking)

ANCHOR: KIM ATIENZA
AIRDATE: JUNE 9, 2011
FROM: KRUSADAtv FACEBOOK



Kung tatanungin ang mga naninigarilyo kung bakit patuloy ang kanilang adiksyon sa kabila ng mga banta nito laban sa kanilang kalusugan, numero uno na sa mga dahilan ang pagpapawala ng stress sa tuwing sila’y hihithit at bubuga.

Walo sa bawat sampung Pinoy ang humihithit ng halos isang pakete ng sigarilyo kada araw. Ito ang madalas na nakikitang dahilan kung bakit mahirap na para sa maraming naninigarilyo na bitiwan ang bisyong ito. Naging parte na ito ng kanilang pang-araw-araw na buhay—pati ng mga taong nasa paligid nila.

Kahit tila karaniwan na para sa atin na makakita ng mga naninigarilyo sa paligid, hindi pa rin ito dapat isawalang-bahala o isantabi dahil sa dami ng mga seryosong komplikasyon at problemang patuloy na idinudulot nito.

Lung Cancer ang ikinamatay ng lolo ni Kim Atienza, dala ng paninigarilyo. Ito ang nag-udyok sa kanya upang hikayatin ang mga nainigarilyo na tumigil na sa kanilang bisyo.

Kakamustahin ni Kuya Kim ang isang chain smoker o isang napakalakas manigarilyo sa matagal na panahon. Ayon sa kanya, wala pa siyang nararamdamang problema o komplikasyon na dala ng paninigarilyo kaya’t wala pang dahilan para siya ay tumigil. Dahil dito, sasamahan siya ng Krusada sa kanyang pagpapatingin sa duktor. Ano kaya ang resulta ng kanyang tests? Ano kaya ang rekomendasyon ng duktor sa kanya? Ipapaliwanag ni Kuya Kim kung anu-ano ang mga maaaring epekto ng paninigarilyo sa katawan.



Kilalanin ang mga natamaan ng malalang epekto ng paninigarilyo at tuluyang nagkasakit tulad ng emphysema at lung cancer. Mayroon ding mga nakabitan na ng artificial larynx dahil sa mga kumplikasyon dulot ng paninigarilyo. Paano nga ba umaabot sa ganito kalalang kundisyon ang mga naninigarilyo? Posible bang tamaan din nito ang mga mahihina lamang manigarilyo? Paano naman ang mga nakakalanghap lamang o mga biktima ng second-hand smoking?

Alamin ang mga magagawang hakbang upang masimulan ang pagbitaw sa bisyo ng paninigarilyo. Hanggang saan ang maitutulong ng mga education programs at ‘Quit Smoking Clinics’ sa bansa?

Ang paninigarilyo ay ang isa sa mga pinakamalaking sanhi ng mga sakit at hindi napapanahong kamatayan na maaaring maiwasan. Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, makinig, makisama at makiisa sa Krusadang ito ni Kim Atienza. Ngayong Huwebes na, ika-9 ng Hunyo, pagkatapos ng Bandila.


No comments:

Post a Comment