Friday, June 24, 2011

Feature Blog: Umagang Kay Ganda celebrates 4th year Anniversary


Buong Linggo nagdiwang ang pambansang morning show ng bayan na "Umagang Kay Ganda" sa kanilang ika-apat na taon sa pag-ere sa telebisyon. At apat na taong nagpapagising sa ating sa umaga.

Nagsagawa sila ng kakaibang handog para sa kanilang tagasubaybay sa pamamagitan ng kanilang mala - "Pilipinas Got Talent" na performance nila.

Bago iyun, una nilang tinampok sa kanilang ika-apat na anibersaryo ang magkaroon ng job fair alay sa mga haligi ng tahanan sa pahabol nitong pag-gunita sa Araw ng mga Tatay.

Nagkaroon sila ng bidding saan ang mga personal na gamit ng mga hosts ang kanilang ibinid. Proceeds will go to the Aeta Students.

At sa kanilang anniversary presentation, pinakita nilang ang kanilang angking galing sa pagsayaw. Tulad na lamang ni Iya Villania na buwis-buhay sumayaw sa pole. Hindi rin magpapatalo sina Andrei Felix, Phoemela Baranda, Tita Winnie Cordero saan sumayaw ito in the tune of Lady Gaga. And of course, hindi rin magpapahuli ang kanilang leader na si Alex Santos na nagmala-Bruno Mars ang performance nito.



Hindi rin magpapahuli rin ang grupo nila Pinky Webb, Donita Rose, Venus Raj at Jeff Tam sa kanila magical presentation. Ipinamalas ni Jeffrey Tam ang angking-galing sa pagmamahika at nagsample din si Pinky ng isang kamangha-mangha mahika bukod sa pagsasayaw nito kasama sina Donita at Venus.


Si Kuya Kim ang naging host ng presentation ng UKG at naging hurado naman sina Jukebox King April Boy Regino at G-Force Choreographer Georcelle Dapat.

Bumisita rin ang dating hosts ng mga morning shows na sina Rica Peralejo at Bernadette na dati ring bahagi ng Umagang Kay Ganda at si Cainta Mayor Mon Ilagan na host naman ng Ala Singko Y Medya 2nd Batch at ASYM Weekend.

Their anniversary presentation held in Dolphy Theater.

more pictures on Umagang Kay Ganda Facebok

by KSY

No comments:

Post a Comment