Showing posts with label Julius Babao. Show all posts
Showing posts with label Julius Babao. Show all posts

Monday, September 5, 2011

Tintin Bersola at Julius Babao, hiwalay na! (Pinoy Parazzi)

EIGHTEEN YEARS SI Tintin Bersola-Babao sa bakuran ng ABS-CBN bago ito nagdesisyong lumipat sa TV5. Why all of a sudden naisipan niyang lisanin ang Kapamilya Network? “Mabilis ang pangyayari, si Kuya Boy (Abunda) ang nakipag-negotiate. Kahit nag-resign na si Kuya Boy sa Backroom, pagdating sa kontrata siya pa rin,” say ng bagong endorser ng Smart Steps na si Tintin.

May pagka-talk show ang tema ng show na gagawin ni Tintin for TV5, kaya bago ito para sa kanya. “Kasi DZMM na lang ang ginagawa ko, Saturday and Sunday. Since DZMM na lang with Julius (Babao) ‘yung radio program so, kailangan naman… Eight years na kami ni Julius sa DZMM so, aside doon wala na akong regular show, ‘di ba? Ang huli kong regular TV show ‘yung Busog Lusog at Look Who’s Cooking nasa channel 5 rin actually, that was 2008 and 2009 pa. So, tamang-tama, when this came in, tinanong ako kung may contract pa ako sa ABS. Baka gusto kong gumawa ng show sa Kapatid Network. Siyempre, go talaga ako, yes talaga ako,” excited na sabi ng award-winning TV host.

Matagal na palang walang kontrata si Tintin sa ABS-CBN kaya malaya itong mag-ober de bakod. Wala kayang tampo si Tintin sa ABS-CBN dahil hindi siya binigyan ng TV show? “Wala, kaya maayos ang pagta-transfer ko, walang conflict. They take care of my husband, si Julius so many shows. He’s very busy person tapos sa DZMM, practically thankful. Tapos, very very grateful ako kasi sa DZMM, I felt so love and important. Lahat ng kanilang events lagi nila akong tinatawag and I’m always part of this big events sa DZMM so, I felt important, na-recognize nila ‘yung talent ko,” pahayag niya.

Three years contract ang pinirmahan ni Tintin sa TV5, inalok rin siyang mag-radio sa TV5. “Sa DZMM, out of courtesy, ethics, ganyan since my radio program din ang TV5. Although wala akong radio doon, parang courtesy na rin nag-resign na din ako sa DZMM. So, parang gusto ko nang mag-focus sa TV show.”
Nagkaroon din ng offer si Tintin sa GMA-7, pero mas pinili niya ang TV5. “Si-guro ‘yung timing. Ngayon kasi ano, sabi ko nga, life begins at forty, kasi turned forty ako last year. Sabi ko, ‘eto na ‘yung… honestly, inisip kong mag-retire na ako, kasi ang ginagawa ko na lang radio. Sabi ko, I have other things na lang to do and then the offer came from TV5 na ang ganda talaga kasi tatlo ‘yung shows. Tapos long term ‘yung contract, magagawa ko ‘yung uring show na gusto ko talaga.”

“Hindi kasama sa shows ‘yung news program pero gusto ko rin. Actually, may bago akong gagawin baka mag-artista ako, joke! Kasi, ang TV5 mayroon silang partnership with Regal, ‘di ba? Tinanong ako kung open ako sa possibility na… eh gumawa naman ako ng Ako Na Lang Sana, Blue Moon. Okey lang basta ‘yung role ako rin, para makita ng tao ‘yung different asset and personality ko pero hindi naman drama. Sino raw ang gusto kong leadingman? Si Aga (Muhlach) talaga. Hahaha! Okey lang kay Julius, wala namang kissing scene. Hahaha!”

Hindi kaya magkaroon ng conflict ang mag-asawa dahil nasa Kapamilya Network si Julius at si Tintin naman ay nasa TV5? “Walang conflict kasi malapit lang sa bahay namin sa Novaliches. Kami ni Julius walang ka-conflict-conflict, ganu’n eh. Boring nga, pag-awayin n’yo nga kami. Hahahaha!”

Sabi nga ni Tintin, good provider si Julius, ang suweldo niya, saan napupunta? “Solong-solo ko pero ‘yung suweldo ng PA ako ‘yun. Yaya, katulong, kuryente kay Julius lahat ‘yun kaya ‘yung sinusuweldo ko nagagamit ko para tulungan ang Mommy ko na may sakit, ‘yung medicine niya. ‘Yung kapatid ko kasi ako pa rin ang nagpo-provide. Tapos ‘yung nag-aalaga sa mommy ko, ako ‘yan lahat. Ako, wala akong problema sa kanya at all, ang bait talaga ni Julius.”

Inamin ni Tintin ‘yung talent fee na nakukuha niya sa kanyang mga endorsements ay sarili lang niya. “Walang intrega, alam naman niya na ako ang breadwinner. Ang laki naman ng sinusuweldo niya, ‘di ba? Isa naman siya sa top anchor talaga kaya hindi ‘yun issue sa amin.”

from:  Eddie Littlefield

Saturday, September 3, 2011

Boy Abunda joins Bandila as Showbiz News Ngayon goes off the air

"Mawawala na ang SNN (Showbiz News Ngayon)...."

Two sources gave this information to reporter Arniel Serato, who added that Boy Abunda will be joining Bandila as one of the anchors.

The text message of ABS-CBN executive Roxy Liquigan confirmed the information. "Hanggang sept 9," he said about the airing of the nightly showbiz talk show.

His text message also indicated that Boy, indeed, will be part of Bandila, while SNN co-host Bianca Gonzales will be returning to Entertainment Live.

The programming move is said to put the news program in an earlier timeslot.

In an interview with Marie Lozano aired on Bandila last night, September 1, Boy pointed out, "Hindi naman po natin iniwan ang SNN, may traces pa rin ng SNN dito sa Bandila. Pinagbuklod lamang, pinalawak, pinalakas.

"At ito ay ginagawa natin dahil mas gusto nating ibahagi ang mas maraming balita sa ating mga manonood.

"It's exciting. Sabay-sabay tayo sa excitement.

"Kung ano po ang magaganap, kasama po kayo sa paglalakbay na ito."

When Bianca was asked regarding this development recently, she said: "Siguro, better if Tito Boy will say it kasi parang I am not in the position to say anything about it.

"I can give more concrete answers if it will happen. Kasi, we're very proud of the show." (CLICK HERE to read related article.)

ABS-CBN STATEMENT. Here is the statement given by Bong Osorio, head of ABS-CBN's corporate communications department, regarding the new lineup of Bandila:

"The most trusted programs and personalities have joined forces. The nationalistic news delivery of Bandila will be strengthened and expanded, and will now broadcast in an earlier time slot.

"Award-winning and seasoned ABS-CBN news anchors Karen Davila, Julius Babao, and Ces Orena-Drilon will be joined by Boy Abunda starting October 3.

"Boy is a cross-over artist who has been honed in news and current affairs with programs like Etcetera, Kontrobersyal, Conversations with Boy Abunda and The Bottomline.

"In the SNN tradition, Boy brings with him the hottest and most interesting news stories in Bandila.

"Bianca Gonzales will be given another assignment."

Source: Jocelyn Dimaculangan, Philippine Entertainment Portal

Thursday, September 1, 2011

Bandila Anchors at Boy Abunda, Magsasanib-pwersa na sa Bandila simula sa Oktubre (Updated)

Updated 09.04.2011 at 14:29 by KSY



According to Mr. Paul Henson, Executive Producer of Bandila. Bandila Anchors Julius Babao, Karen Davila and Ces Drilon join forces with King of Talk, Boy Abunda in Bandila starting October 3.

Showbiz News Ngayon will end soon? 

What about Bianca? What happen to her if SNN will off the air? 

Ayun sa balita, babalik na po si Miss Bianca sa Entertainment Live na dati niyang nilisan upang pumalit sa naiwang pwesto ni Miss Kris Aquino habang nangangampanya ito para sa Kuya Noynoy niya na nuo'y tumatakbo at ngayong ganap na nga Pangulo ng Pilipinas

Ayun din naman sa balita, hindi naman masasabing magpapaalam na ang SNN kundi pagbubuklurin ito sa Bandila. Mas pinalaki at mas pinalawak.

Means magiging... Bandila News Ngayon? 

Picture Teaser of Bandila Anchors with Boy Abunda:



Source: Paul Henson

Blog by: KSY

Wednesday, August 10, 2011

Saturday, August 6, 2011

Magandang morning with Julius and Nina, mamayang umaga na.


Kinumpirma ni Julius Babao sa kanyang Twitter account na si Niña Corpus (kung hindi ako nagkakamali) ang papalit kay Ms. Tintin Bersola-Babao sa kanilang morning program sa DZMM na "Magandang Morning with Julius at Niña" mamayang umaga. Napabalitaan na si Tintin Babao ay lilipat sa Kapatid Network kaya nilisan niya ang programa nung nakaraang Linggo. Kaya simula ngayong Sabado at Linggo ay maririnig at mapapanood sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM Teleradyo ang bagong tambalan sa radyo na tiyak magpapagising sa inyong weekend morning. Mula alas-6 ng umaga hanggang alas-8 ng umaga, makinig lang sa "Magandang Morning with Julius Babao at Niña Corpus".

Update from Jessy

Saturday, July 23, 2011

KARO Feature Pic: Anchors during childhood days

Pinakita sa "Rated K" ang larawan ni Ms. Korina Sanchez nung bata pa siya. Sobrang cute niya sa kanyang pagkabata. At ngayon, si Korina ay isa nang beteranang anchor ng "TV Patrol" at host din ng programang "Rated K".



Eto naman ang larawan ni Ms. Bernadette Sembrano nung bata pa. Nag-aaral pa lang siya sa Angelicum sa Quezon City nang makuhanan ang larawang ito. Ngayon, isa na siyang mahusay na mamamahayag at napapanood sa "TV Patrol", "Salamat Dok" at "Krusada". Kasalukuyan pa rin siyang sumailalim sa therapy laban sa sakit na Bell's Palsy at tuluy-tuloy ang kanyang paggaling.


Siya naman si Julius Babao nung baby pa at karga-karga pa ng kanyang ama na sumakabilang buhay na. Isinilang siya sa Pangasinan at ngayon ay isa nang mahusay na news anchor. Nakilala siya sa ASYM (Alas Singko Y Media) kung saan kapareha niya si Tintin Bersola na naging asawa niya. Mapapanood siya sa Bandila, XXX, at Krusada.

At siya naman si Alexander Santos also known as Alex Santos. Nakuha ang larawan na ito nung siya ay nagbibinata na. At ngayon ay isa na siya sa pinakagwapo at pinakamagaling na news reporter at anchor ng ABS-CBN. Napapakinggan din siya sa DZMM kung saan nanalo siya bilang Best Male Radio News Anchor ng KBP Golden Dove Awards.

Abangan pa ang mga susunod na mga pictures ng ibang Kapamilya Anchors and Reporters nung sila ay bata pa. I'm sure, cute na cute pa rin sila habang tumatanda sila. :)

Blog by Jessy

Blog by Jessy

Friday, July 15, 2011

Happy Birthday, Julius Babao


Our Action Man celebrates his special day today.

Happy Birthday, Papu Julius!

Remember, you'll be this age for only one year but you'll be awesome forever.
May this birthday be just the beginning of a year filled with happy memories, wonderful moments and shining dreams.

from Kapamilya Anchors and Reporters Online

Monday, July 4, 2011

XXX (Exklusibong, Explosibong, Expose 07.04.2011)


200 Pinay na ikinulong diumano ng kanilang recruiter sa Malaysia, sinaklolohan ng 'XXX' kasama si Pinky Webb

 Follow-up sa naganap na pambubugbog sa labas ng isang SPA sa Maynila.

 Alamin ang kwento ng mga salvage survivors sa bingit ng kamatayan.


teaser video




from XXX Twitter

Saturday, July 2, 2011

Gintong Tinig is on Trending Topic in Twitter (#gintongtinig)

Gintong Tinig by Julius Babao trends the Twitter world. 


Naging usap-usapan sa isang social networking site na twitter hanggang sa pumasok ito sa trending topic  ang special report ng ABSCBN News and Current Affairs na ang "Gintong Tinig" ni Julius Babao na umabot na sa ikalawang pwesto sa topic.
Latest: Nasa no. 2 na po ang #gintongtinig. Wow! 

Sa programa, kinikilala ang mga tao nasa likod ng mga boses sa radyo at tv saan hindi nating sila nakikita.

sa trending topic, Pinapakita dito na maraming nanunuod, tumatangkilik, sumusuporta at nainspire sa episode na tinanghal ng ABSCBN News and Current Affairs team.

Congrats Papu Julius at sa lahat ng bumubuo ng programang ito. Keep up the good work.

Sabadokyu: Gintong Tinig



Sa kanilang mga mukha..di mo sila makilala...

Pero...pamilyar ka sa kanilang Gintong Tinig!

Kilalanin sila....

Ngayong Sabado na, alas kwatro ng hapon.

Host: Julius Babao

Tuesday, June 28, 2011

Anya sings Mutya theme song "Sana" in DZMM

from Christine Bersola Babao video in Facebook: June 2011. Anya practices her song for airing in daddy and mommy tin's radio programme : Magandang Morning with Julius and Tintin. Here she sings " Sana" with "stage dad " Julius looking on , and "stage mom" Tintin holding the camera to record the moment for posterity. Haayy, ang maging magulang nga naman, hehe.


Yeah, Anya got talent. She sings MUTYA theme song "Sana". She practices her song for her parents program in DZMM. May future ang cute na ineng. Kanino pa naman magmamana, Of course sa kanyang parents. 

Bumalik sa aking alala ang kanyang ina na si Mamu Tintin Bersola Babao ay kumanta kasama si Jose Mari Chan ng awiting "Is She thinking about me" (I think I was in Grade 5).  At mayroon din po sila duet ni Papu Julius sa isang Catholic Music Album.

Is Anya ready to enter the showbusiness? Papayag po kaya sina Papu Julius and Mamu Tintin na maging artista din ang kanilang unica hija?

Sa video, ang ganda talaga ng boses ni Anya. May future talaga. How wondering hindi rin siya ang kumanta ng theme song ng MUTYA. Proud parents sina Papu Julius and Mamu Tintin. (watch video)


updated by: KSY

Monday, June 20, 2011

Mamaya sa XXX (06.20.2011)



Mga Sundalo, namumutol ng tubig at kuryente, sisiyasatin ni Julius Babao.

Batang pinabayaan ng sariling ina matulogsa labas ng bahay,. Sa ulat ni Pinky Webb.

Mamaya sa XXX pagkatapos ng Bandila

Sunday, June 12, 2011

Feature Picture: DZMM Anchors on Latest Pictural


Dito pala present si Miss Pinky that we thought na wala siya. Bakit hindi siya nahanay sa mga main anchors ng ABSCBN News and Current Affairs gayung main anchor naman siya ng Umagang Kay Ganda. hmmmm!!!!

Minus Karen Davila talaga.

Source Picture: Nizel Reduta

Thursday, June 9, 2011

Monday, June 6, 2011

Mamaya sa XXX (06.06.2011)



Pagbebenta ng mga Botchang Bangus sa isang palengke, nabisto!

Vitamins daw ng mga taxi drivers sa Roxas Blvd, illegal drugs!

Pambubugbog sa harap ng massage parlor, huli sa CCTV.

Mamaya sa XXX pagkatapos ng Bandila


Youtube video from XXXtv

Tuesday, May 31, 2011

Thanks, Sir Julius Babao

He tweeted our blog entry link na  "KRUSADA: WALANG PLASTIKAN (No to Plastic)" features on KARO blog last week. It also originated by KRUSADA.

Almost a couple of weeks din na minsan lang ako nakakapagbukas ng blog pero hindi ko pa nababasa ang ibang posts na gawa naming mga authors. Until I surprised that Sir Julius posted the link of our post in his twitter.

his tweet about the our blog entry's link.
Source din namin ang KRUSADA sa pagbibigay namin ng impormasyon tungkol sa mga reports ng mga news personalities ng ABSCBN. Kaya buong puso kami nagpapasalamat sa bumubuo ng KRUSADA.

Sa mga bumubuo ng Kapamilya Anchors and Reporters Online, Marami rin salamat kay Sir Julius Babao sa appreaciation niya sa effort namin pati ng effort ng KRUSADA. At sa endorso ng blog entry.

Maraming Salamat din sa KRUSADA sa kanilang impormasyon. =)

Bida Best, Kapamilya!

by: KeepSoYoung

Monday, May 30, 2011

Abangan sa XXX (05.30.2011)




Ang follow-up report ni Anthony Taberna tungkol kay Ex-Gov. Leviste. Ang mga alalay, Preso! araykupo!


Mamaya, pagkatapos ng Bandila.

from: XXXtv


Monday, May 23, 2011

KRUSADA: WALANG PLASTIKAN (No to Plastic)

by KrusadaTV on Monday, May 23, 2011 at 8:56pm

ANCHOR: JULIUS BABAO
AIRING DATE: MAY 26, 2011



Para sa isang bagay na hindi environmentally-friendly at mahirap mabulok, napakataas ng pagkonsumo natin sa plastic. Alam niyo ba na mahigit kumulang 500 bilyon hanggang 1 trilyong plastic bags ang nagagamit ng buong mundo kada taon? Sa halos bawat bilihin, isinisilid ito sa plastic bag kaya’t nagiging mas madaling bitbitin at maiuwi. Ngunit madalas, saglit lamang ang paggamit dito. Karaniwan, matapos lamang ng 20 minuto, dalawang lugar lang ang kinababagsakan nito—sa basurahan o sa lansangan.

Kahit malinis o maaaring magamit pa, naitatapon lamang ito at nadadagdag sa tone-toneladang basura na tinatayang isang milenyo o isang libong taon bago tuluyang mabulok.


Sinasabing ang ugali ng pagtatapon ng lipunan ay nagresulta sa pangangailangan para sa kaginhawaan at pagtitipid ng panahon sa paggawa ng mga produkto. Subalit ang ugali ring ito ang pinagmumulan ng pagkakaaksaya ng maraming mapapakinabangan pa.

Sa susunod na Huwebes, itutulak ni ABS-CBN news anchor Julius Babao ang kanyang krusada na maitigil ang paggamit ng plastic sa pamamagitan ng panghihikayat sa mga business sectors, LGUs at mga mamimili na bawasan, iwasan at sa kabuuan ay ipagbawal na ang paggamit ng plastic bags at iba pang non-biodegradable packaging materials tulad ng Styrofoam.

Bilang pagsasaalang alang sa mithiing ito, hihikayatin ang mga mamamayan na gumamit ng mga reusable na lalagyan tulad ng eco-bags lalo na tuwing namimili sa grocery. Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, ipapakita kung paano isinasabuhay ng pamilyang Babao ang krusadang ito.


Higit sa lahat, krusada ni Julius na maisabatas ang pagbabawal sa plastic bags at iba pang non-biodegradable packaging sa pambansang lebel. Naniniwala siyang hindi man ito “cure-all” solution sa mga problema sa basura, isa pa rin itong malaking hakbang upang ipamulat sa lahat ang pangangailangan na mas pangalagaan ang kapaligiran.

May ilan ng nanguna sa pagsasagawa ng krusadang ito. Samahang bisitahin ang bayan ng Los Baños, Laguna na nagumpisa sa pagsasabatas ng local na ordinansa upang maitigil na ang paggamit ng plastic bags. Sumusunod dito ang Muntinlupa sa Metro Manila, na sa kabila ng ilang patuloy na tumututol at humahamon, ay determinado pa rin. Ang Muntinlupa na ba ang magiging basehan ng mga iba pang urban cities na susunod sa yapak nito? Naging matagumpay kaya ang kanilang ordinansa?

Maaalala kung gaano kahirap ang dinanas ng lahat dahil sa trahedya ng Ondoy. Ang matinding pagbaha, kasama pa ang pagbara ng napakaraming plastic sa mga drainage ang ikinamatay ng 300 daang katao, ang naging paalala sa peligro na dulot ng plastic. Makalipas ang dalawang taon, marami pa ring nangangamba na mauuulit ito dahil patuloy pa rin ang pagtapon ng plastic bags sa mga ilog. Kailan ba matatapos ito at matututo ang mga tao?

Makinig. Makisama. Makiisa. Abangan ang Krusada ni Julius Babao sa Huwebes, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

Source: Krusada

Sunday, May 8, 2011

Feature Photos: Behind The Scenes of "Harapan: RH Bill Debate Special"


Exclusive Photos by Nizel Reduta

More Photos on KARO Album

by: KeepSoYoung of TV Patrol Peeps